Sa gitna ng walang katapusang gawaing kampanya at propaganda, isang saglit na heart-warming break buhat ng casual click sa google.com:
90th birthday ni Art Clokey, ang lumikha sa clay stop-animation series na Gumby (pioneer siya sa larangang ito). Bakas sa alaala ng kabataan ko ang katuwaang makakita ng gumagalaw na clay – di tulad ng cartoons na sa naiimagine mo lang, kaakibat ng panonood nito ang alaala ng kamay sa saya ng paghulma ng clay figurines. Multi-sensory experience sa bawat episode.
Mabuhay ka, Art Clokey! Ganito ang mga porma ng kultura na magandang matutunan ng Pilipinas – maraming clay deposits sa Pilipinas. Hindi mo pa kailangang maging dependent sa multi-million budget at teknolohiyang pagmamay-ari ng mga pandaigdigang korporasyong transnasyunal.








nice.. i remember this hahaha