Let's make verdant dreams real.

Hinggil sa Lasing

Madaling umaga ngayon at patuloy ang tirada ng mga lasenggong paulit-ulit kinakanta ang lyrics na “at kung magkamali ako… blah blah” sa tonong akala mo ay stereotype lang ng isang lasenggo ngunit totoo pala. Tulog na ang mga pinsan, uncle at auntie ko sa kabilang kwarto, at aaminin kong naiinggit ako’t wala silang malay sa salu-salo ng mga diablo sa kabilang bakod.

Sa lamig ng January 1 napilit ko ang kuya kong buksan ang aircon para matabunan ang mga boses na nabobo ng alak. Nakakainis man itong mga walang-tonong istambay sa umaga pero laging may perang pang-inom sa gabi, masnakakainis ang kapitalistang lolo na may-ari ng tindahan na patuloy na nagbebenta sa kanila ng beer gabi-gabi. Naisip ko na silang ipapulis (at malamang lahat ng disenteng tao dito samin naisip na rin yun) ngunit naalala kong mga lasenggo’t lumpen din naman ang mga dakilang kabo ng ‘pinas. Naalala ko rin yung panahon na pinagsabihan na ang mga dating sikyong nagbabantay sa gate ng street namin, na pagdating sa tindahan ay nakiinom sa mga hinayupak.

 

Marami akong naaalala sa mga lasing. Akala mo ordinaryo lang ang isang walang-kwenta sa lipunan ngunit masaya sa sariling mundo, pero laganap ito kahit sa mga taong malinis (o nagmamalinis) sa bisyo. Heto’t nakakakita ako kaliwa’t kanan ng mga UP student na takot mabansagan ng aktibismo, o di kaya’y ikinamumuhi ito. Akalain mo ba namang masginugustong maging sugo ng false advertising sa paglako ng sarili bilang “UP Ang Galing Mo” iskolar. Akala nila makukuha nila sa pagsuot ng ID strap at jacket sa kung saan-saan. Pagsalang mo naman sa totoong buhay sa nanay at tatay pa rin ang uwi mo. Lahat ng yan, tapos hindi pa magawang sumporta sa laban na para sa karapatan din nila?

 

Ang tipong ito ang laging nakasalang sa dotahan. O di kaya’y naglilibang sa kahit anong bar o kapehan, feeling socialite na mahahanapan ng panandaliang aliw. Pero pag-graduate ay lalango din sa kawalan ng trabaho. Diba parang lasing na rin yon? Hindi nakukuha ng UP shirts o ID straps ang tatak ng pagiging tunay na Iskolar ng Bayan. Sa kalagayan ng karamihan ng kilala ko, Iskolar ng Balbal lang ang bansag na naaabot nila.

 

Ang tawag nila dito sa mga pinagsasabi ko, yabang o elitismo ng mga aktibsta. “Astang magaling, eh dinosaur naman” sabi ng ilang mga hardcore socialites ukol sa mga “madudungis at maiingay”. Lumang ihip na daw ang mga pananalitang sinasambit. At pagsasayang daw ng taxpayer’s money ang pagyakap sa kulturang kontra-kultura dahil hindi ka nag-aaral ng mabuti. Akala mo naman, paggradweyt magkakaroon ng kapangyarihang tumulong baguhin ang kabulukan ng lipunang ginagalawan natin. Messianic, kung tutuusin, pero ganun din naman ang tingin nila sa mga aktibista. Messianic, feeling sila lang ang nakakaalam ng tanging tamang gawin sa paglutas ng problema ng bayan, feeling sila lang ang makakaligtas ng mundo.

 

Sa totoo lang, ang aktibista ay elitista lang sa mundo ng akademiya. Pano ba naman at puro pagbabalbal lang sa kung ano-anong teorya na masisipsip mula sa mga propesor na hindi rin naman lubog sa totoong kahirapan (pano ba naman, sila propesor at propesora, sideline lang ang pagtuturo sa UP, kung kaya naman nagaakala na silang lahat ng Pilipino may sports car at dalawang kabit). Paano masasabing “in” ang aktibismo sa mundo ng unibersidad na may sariling mundo kuno?

 

Naihalintulad ng isang sipsipistang kongresista si Gloria Macapal Arroyo kay Hesus. Kung akala niyong dyaryo lang ang lathalaing minamanipula ng gobyerno, pati na rin pala bibliya! Hindi propeta si GMA, siya ang isa sa apat na kabalyero ng apocalypse kasama ng Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo. Oo, yung karaniwang balbal ng mga tibak. Kung tutuusin, masmaikukumpara mo pa sa mga tibak ang katauhan ni Hesus: isang propetang hindi pinapakinggan ng mga tao kahit na ang mga turo niya ay para sa ikabubuti ng mga kapwa niya nilalang. Naaalala ko nga ang sabi sakin ng Vice-Chair ng FA Student Council noong panahong CFASC pa ako: “This is a thankless job.”

 

Elitista ang tibak sa mundo ng elitista. Sa malawak na taumbayan, hindi. Nakakatawa isipin. Hindi mo rin naman mapipigilang maging makasarili ang mga kapwa Isko at Iska mo, tulad ng mga lasing na hindi naiisip na hindi pala sila nagpapatulog sa kanlang sariling kaligayahan. Eh simula ng pagkabata, mula sa katuruan ng pamilya, hanggang simbahan hanggang paaralan, tinuruan ka nang maging makasarili. Isipin ang kapakanan ng sarili at pamilya lang. PERIOD. Maraming aalma, ngunit ito ay dulot lang ng hindi sila komportable sa kaisipang ito. GUILTY, sa ibang salita.

 

Saad sa prinsipyo ng pambansa demokratikong aktibismo na huwag gustuhin ang kahit anong makakahamak sa malawak na hanay ng masa. Ngunit para sa mga aktibista na lubog sa mundo ng mga burgis at dekadente, mahirap na hindi isipin ito. Minsan gusto mo nalang na wag nang magtunog OP (out of place) o masmalala, sirang plaka at hayaang patuloy na magtaas ang presyo ng edukasyon at hayaang tuluyang mabenta ang mga paaralan sa mga mayayamang businessmen.

 

Parang masarap na ikebs na hayaan silang yumakap sa OFW/BPO culture of ignorance, sabagay para din naman silang lasinggero na enjoy sa sariling mundo, sa sariling “Silicon Valley” at kung anu-ano pang Utopia na ineenjoy nila. Kasi sa paglala ng kalagayan ng buhay, doon maslalong maiintindihan ng mga nagfifeeling mayaman na ang Pilipinas na tama ang mga ingay ng aktibismo. Sarap ng “I told you so” moments, sa totoo lang, at ilang beses na rin itong nagaganap kung sa mundo ng akademiya palang ang paguusapan. Pero hala! Sige! Tuloy sa pagiging jackass ng karamihan ng mga Isko at Iska, enjoy sa mamahaling tsinelas at kape.

 

Bakit hindi nalang natin hayaan silang maprito sa sarili nilang mantika? Tutal sa pagkakaprito rin nila malalaman na naluluto na pala ang kapaligiran nila diba? Prinsipyo, at tanging prinsipyo lang ang pumipigil sa mga tunay na aktibista. Intindihin ang kamusmusan ng mga bata batutang akala’y madali ang buhay. Kumbaga, kaya lang naman sila ganyan ay dahil may kakulangan sa AOM (Arouse, Organize Mobilize). Laging ang aktbista ang may pagkukulang. Elitismo nanaman, grabe! Pero totoo. Bakit masama ang tingin ng ilang mga ignorante sa akibismo? Kulang kasi sa paliwanag sa kanila. Kumbaga sa lasing, hindi naman kasi sila nasasabihan na abala na yung ingay nila dahil baka matubuan ka sa tagiliran ng icepick nila. Kaya nila hindi nalalamang nakakaabala sila.

 

Ang kinaiba? Walang icepick ang mga mangmang na isko at iska. Kaya hindi dapat matakot sa pagpapaliwanag sa kanila, mga kapwa ko aktibista (siguro kaya ko na rin kayo inaaddress dahil aktibista rin lang ang makagagawang basahin ito ng buo). Babalik sa prinsipyo ang usapin. Itong ginagawa nating struggle na mahirap (struggle nga e), ay lagi’t lagi nating dapat tinatanong: “Para saan? Para kanino?” Yun na yung konswelo sa pagkainis natin sa mga hungkag na social climbers. Tutumba rin yang mga yan.

 

Kumbaga sa mga lasinggero, bagamat ipinapanalangin na natin na mamatay sila para matahimik na buhay natin, ay hindi natin ginagawa bilang pagrespeto sa batas. Isipin nalang natin, masusunog din ang bituka niyan. At isipin nalang natin na, malay mo, sa onti pang pagpapaliwanag sa kanila (at doon sa bwiset na lolong nagbebenta sa kanila), baka sakaling magbago din ang kanilang pananaw sa buhay.

Advertisements

Comments on: "Hinggil sa Lasing" (2)

  1. “alam mo mga sideline ng ibang pinoy? sumali sa mga online
    contest tulad nito.(www.antonovstars.com) hehe.. I tried joining
    contests din before but I dont have time now.”

  2. Oh, the irony. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: