Let's make verdant dreams real.

 

 

yc09-pics-139May mga cliché talaga na sadyang di mo maiwasan dahil totoo talaga sila, at kasama na dito ang sinabi ng isa sa mga nakasama namin sa Envi Advocacy Camp na nilunsad ng League of Youth for the Environment (LYFE) na nakakamiss ang malinis na hangin doon sa upland community ng mga magsasaka sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan. Sapagkat dala ng simoy nito ang alaala ng mga pinakamasasaya at makabuluhang karanasan sa buhay ko. Sabi ko nga, cliché talaga siya.

Masaya at makabuluhan ang apat na araw na paglubog namin sa komunidad na ito ng mga magsasakang kasalukuyang naglulunsad ng tunay na luntiang rebolusyon: ang pagsasagawa ng organic farming, at ang paglaban para sa tunay na reporma sa lupa. Heto ang ilang mga bagay na natutunan ko sa apat na araw naming pag-aral at paglahok sa kampo:

  • Sa pagtetrek sa isang burol, masmabuting nakapaa ka kesa pag may suot na saplot sa paa. Flexible ang paa sa contours ng terrain, at masmaganda ang traction nito kumpara sa mga sandals, tsinelas at sapatos, lalo na kung may dadaanan kang sapa o putikan na magpapadulas sa iyong mga yapak. Isuot nalang muli ang mga ito kapag dumadaan na sa baku-bako na tuyong lupa o batuhan, dahil batay sa karanasan, nakakasugat ng paa ito. Ugaliin ding magtrek lang habang may araw pa, lalo kung di ka sanay sa ganung klaseng trip na madilim, madulas, at nakamamatay.
  • Ang modernong konsepto ng Environmentalism ay nilikha ng mga tagapamandila ng pandaigdigang monopolyo kapitalismo para pagtakpan ang sistema nila bilang ugat ng pagkasira ng kalikasan, at trinato na rin ito bilang marketing opportunity para magbenta ng mga pseudo-green products. Oo, SM na nagbebenta ng “green” bags, nakatingin ako sa iyo. Sabi nga ni Marx, dalawang tipo ng rekurso ang kailangan ng kapitalismo para makalikha ng tubo: ang likas na yaman, at ang lakas-paggawa. Ang pagwaksi sa exploitation sa dalawang tipo na ito ang tanging makakapagsulong ng makabuluhang pagbabago para sa tao at kalikasan. Hindi makakamit ito sa paghangad lang ng reporma sa loob ng framework na neoliberal.
  • Pinakamasarap pagliguan ang sapa na hindi madulas dahil walang lumot, smooth pa rin ang surface, at kalahati lang ng katawan mo ang lubog kapag nakahiga ka. Parang spa treatment ang pinagsama-samang epekto ng sinag ng araw, dalumat ng hangin, at agos ng sapa sa paghiga mo. Plus factor na rin ang talon sa may baba nito, at batay sa karanasan ni Kiko, kasamahan ko sa aming organisasyon, Computer Professionals’ Union (CPU), therapeutic ang pagsipsip ng linta sa likod mo.
  • Sa konteksto ng agrikultura ng Pilipinas, malaki ang makukuhang bentahe ng pagsasapraktika ng organic farming, dahil makakatipid ka na sa mga farming implements na gagamitin mo (ang mga kasangkapan ng pataba at insect repellant na ginagamit ay mula rin lang sa kanilang kapaligiran o mabibili sa murang halaga), lalaki pa ang output ng produksyon mo dahil hindi sinisira ng organikong pataba at repellant ang lupa. Hindi ito nakalalason sa gumagamit na magsasaka, at nawawala rin naman ang halimuyak ng mga ipot sa pataba kapag tumagal na ito.
  • Importanteng kaakibat ng organic farming ang batarisan, o organisadong bukluran ng mga magsasakang nagbabayanihan sa pag-asikaso ng kanilang mga sakahan. Ang organic farming ay labor-intensive kung ikukumpara sa conventional farming na gumagamit ng nakakasirang kemikal. Ang batarisan ay nasisigurong masmaraming trabaho ang magagawa sa isang particular na panahon sa halip ng mag-isa kang gumagawa (mula sa gawaing pangkabuhayan hanggang pampulitika, pinakeepektibo pa rin ang sama-samang pagkilos). At sabi nga ni Ka Jonnie ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), boring din magtrabaho sa sakahan ng mag-isa.
  • Sa usapin ng agrikultura, lupa ang sentral na usapin. Walang saysay ang pagkatuto sa organic farming at pagsasapraktika ng sustenableng kultura sa pagsasaka kung hawak ng ganid na panginoong may lupa ang kanilang sinasakahan. Walang saysay ang mutualism ng komunidad ng mga magsasaka sa gubat at burol ng Tungkong Mangga kung ididislocate din lang sila ng pamilyang Araneta at kakalbuhin ito para pagtayuan ng mga villa at subdivision. Proud ako kay Abie, intern namin sa CPU na sumama sa kampo, dahil siya lang ang nakatukoy dito bilang pinakaimportanteng esensya ng sustenableng agrikultura dun sa isang aktibidad. Hindi kaming mga hasado na mga aktibista, hindi ang mga magsasaka ng TIMUFAI (lokal na samahan ng mga magsasaka doon), kundi siya bilang lohikal na teknolohista. Galing talaga ng CPU.
  • Ang karaniwang pagtingin sa environmentalist ay isang “tree-hugger”, pero ang wastong perspektiba sa kalikasan ay ang tinatawag na “grassroots environmentalism”, kung saan ang relasyon ng tao sa tao ang sentral na usapin, dahil ito ang nagdidikta kung paano tinatrato ang kalikasan ng tao. Sa sistemang pandaigdigang monopoly kapitalismo, labis na profit o tubo ang esensya kung kaya nama’y kapalit nito ang sobra-sobrang pagkonsumo ng mga natural na rekurso.
  • Marahil malaki ang maitutulong ng biotechnology partikular sa genetic engineering sa pagpapalaki ng produksyon ng mga magsasaka, pero sa kasalukuyang panahon na kulang ng sinsin ang pagsasaliksik sa kaligtasan nito at hawak ng neoliberal na oryentasyong naglalayong kumita at hindi masiguro ang welfare ng mga magsasaka at mamamayan, sadyang mapaminsala lang ito. Isipin nalang kung anong mutations ang pwedeng magmula sa cross-breeding ng GMO sa natural na bersyon nito. Salamat sa Plants vs. Zombies sa pagpapalawak ng imahinasyon ko hinggil sa mga posibilidad.

yc09-pics-47

Ang pinakamahalagang natutunan ko sa kampo ay ang importansya ng pagkakaisa sa lahat ng mithiin at gawain. Hindi matatapos ang pagtatanim ng talong at ampalaya kung walang Kiko, Abie, Rechel, Loi, Dar, Cere, Au, Nelson, Evan at Ka Cesar na sistematikong tutulong sa iyo at magpapasaya sa kabuuang paggawa. Ganun din siya sa kahit anong problemang kaharapin natin, mula sa indibidwal na antas hanggang sa panlipunan.

Nilayon naming maintindihan kung bakit ubos-lakas dapat ang pagbigay ng teknikal na suporta sa mga progresibong organisasyon ng iba’t ibang larangan pati na rin ang kalikasan, kung kaya’t nagpapasalamat ako sa inyong mga nakasama ko dito sa kampo. Naintindihan ko na siya ng lubos ngayon. 🙂

Advertisements

Comments on: "Sa Piling ng Bukid at Kalikasan" (2)

  1. May payo sa akin si Mong Palatino: Tatamarin daw ang mga mambabasa na mag-click ng next kapag nagbabasa ng blog, so dapat nakabuyangyang na agad ang mga entries sa unahan pa lang. Hehe. Ano tingin mo? Hehe.

    • Hmm, hindi lang kasi aesthetically pleasing sakin yung napakahabang front page. Haha. Pero tama naman, siguro masmadaling mainteres ang tao kung nakalahad na ang mga recent na sulatin. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: