Let's make verdant dreams real.

Kung sinusubaybayan mo ang opinion page ng Philippine Daily Inquirer, siguro nabasa mo dito ang pahayag ng isang dating aktibista na ang laban sa pagitan ni Noynoy Aquino at Manny Villar ay tunggalian ng mga uri. Sa isang panig, ang interes ng mga mayayamang panginoong may lupa, sa kabila, ang maralita. Sinundan ito ng pagsagot ng isang propesor sa UP Diliman na, sabi ng isang naging mag-aaral niya, ay isang tao “[who] hates most people and would most likely try to …debunk everything you say.”

Sa unang sulatin. Mapanlinlang na ginamit pa ang pangalan ng mga pang-masang organisasyon ng mga estudyante, ang LFS at ang Anakbayan, para magkaroon ng aura ng kredibilidad ang ganitong klase ng panlipunang suri. Aba, tanungin mo ang mga militanteng aktibista, karamihan kung hindi lahat sa kanila ay hindi mag-aatubiling linawin sayo na si Villar ay isang burgesyang nagdadala pa rin ng makauring interes ng mga naghahari.

At sino ba sa kanila ang hindi? Marahil meron sa kanilang tunay na ideyalista, umaasang kayang banggain ang tradisyunal na pulitika at magwawagi dahil lang sa “tama ito.” Ilusyonada ka kung tingin mong kaya mong bumasag sa mainstream na moralidad lang ang sinasakyan. Na yayakapin ka nalang ng mga kaaway mo at iiyak sila ng isang kapirasong luha sa kaliwang mata na dadausdos sa kaliwang pisngi at sisigaw ng: “IKAW NA!”

Pinuna ito ng pangalawang sulatin. Pero kung yung nauna ay magandang halimbawa ng oportunismo sa kanang ideolohiya, ito naman ay kaso ng sagad-sagarang pagiging kaliwa. Maririnig mo na lahat ng ineexpect mong marinig sa isang matandang dating aktibista na “outside looking in” naman at wala talagang alam hinggil sa konkretong kondisyon at batayan ng alyansang NP-Makabayan. Kesyo trinaydor na daw ang Marxismo sa pakikipag-alyado kay Villar. Kesyo naging impokrito na daw ang mga Makabayan dahil pumanig na daw kay Bongbong Marcos.

Parang nakalimutan na ang pagkakaiba ng Marxista sa simpleng progresibong makabayan. Hindi ba kakaiba na, mula sa napakaburgis na pananaw ni Monsod hanggang sa napaka-militanteng postura ng propesor sa UP Diliman, consistent ang linya ni Palparan na Komunista sila Ka Satur? At ito ang ginagawang dahilan para idiscredit, siraan, at maging huliin at patayin ang mga militanteng aktibista’t progresibong mga pwersa?

Itong klaseng tao na ito ang gusto mo nalang sigawan na: “Oo na! Ikaw na ang tunay na rebolusyonaryo! Ikaw na ang sarili mong hukbong mapagpalaya!”

Isa pa, kung maaalala natin, kakatapos lang ng Hiritan sa Unang Hirit na programa ng GMA Network, kung saan bahagi ng debate ay si Satur Ocampo at Jovito Palparan. Hindi naman siguro mahirap mapansin na lahat, mula sa “chinelas journalist” na si Winnie Monsod, hanggang sa pro-Noynoyish na Philippine Daily Inquirer, at syempre, hanggang kay Butcher General Palparan, ay gustong ituon ang diskurso kay Ka Satur Ocampo sa pambibintang sa kanilang mga komunista’t NPA.

Ang punto? Kapansin-pansing iniiwasan ang oportunidad na matalakay ang isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng pagpili ng iboboto sa eleksyon: ang plataporma. Pinapauna ng mga hitad na kalaban ng mga progresibo na manaig ang mga mapanirang usapin kesa sa mga batayang usapin tulad ng repormang agraryo, industriyalisasyon at panlipunang serbisyo.

Nariyan na nga ang walang-awat na paninira ng estado sa militanteng aktibismo, sumabay pa ito mga pseudo-left na pahayag ng dating kaliwa at ng ultra-kaliwa. Nagpapatunay na “Two Wrongs do not make a Left.” Kasi kung tunay tayong sugo ng pagbabagong pampulitika, bakit hindi natin ituon sa pagkilatis ng plataporma at track record ang diskurso? Hindi ba yun sa esensya ang pagkakaiba ng pulitikang tradisyunal sa pulitika ng pagbabago: ang pagtalikod sa personality-based politics at pagkalat sa politics na kritikal sa mga kandidato?

Magbalik tayo sa basics. Ang batayan ng pagpili sa mga elektoral na kandidato, ang plataporma. Alalahanin natin na si Villar lang ang may platapormang tumutugon sa mga batayang isyu na kinakaharap ng masang anakpawis, at dala ito ng kanilang pagtugon sa plataporma nina Satur Ocampo at Liza Maza ng Makabayan. Sa labanang Noynoy at Villar, tanging kay Villar lang tayo may tsapang pangsingil sa kanyang rehimen. Kung lohikal at kritikal tayo, at kung ayaw nating maging “third wrong”, sana masipat na natin kung kanino sa dalawang yan dapat ilaan ang ating boto.

At lalong dapat alam natin kung kaninong mga Senatoriable tayo dapat nag-aalay ng lakas at kagalingan. Satur Ocampo (#37) at Liza Maza (#33) sa Senado!

Advertisements

Comments on: "Two Wrongs do not make a Left" (1)

  1. If only more than 54 people could hear about this.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: