Let's make verdant dreams real.

May natunghayan akong debate sa facebook hinggil sa pangunahing ugat ng kahirapan ng Pilipinas. Sa isang panig, tinutukoy ang sistema ng pamamahala bilang ugat ng krisis sa iba’t ibang sektor. Sa kabila, isinasalarawan ang labis na populasyon bilang problemang labas sa kamay ng mga gobyerno, at siyang dahilan kung bakit maramingnagugutom at hindi nabibigyan ng serbisyong panlipunan.

Nasasayangan daw siya sa mga aktibistang kontra-gobyerno. Ganun? Heto ang naging tugon ko:

-=-=-=-=-=-=-=-=-=–=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Napakadaling pagbintangan ang overpopulation. Pero kung susumahin mo ang likas-yaman ng Pilipinas mula sa agriculture, fisheries, at ating mga extractive industries ay kayang suportahan ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas.

Nagkakaroon ng gutom sa Pilipinas dahil yang gobyerno mo, nilalaan ang mga rekurso’t yaman ng kaban ng bayan sa katiwalian, serbisyo sa panlabas na utang, at pagtulak ng militarisasyon.

Sa bawat P1.22 na nilalaan sa serbisyong pangkalusugan, P14-16.00 ang nilalaan sa mga bala ng M-16. Sa bawat P6.00 na nilalaan sa edukasyon, P22.00 ang nilalaan sa utang-panlabas.

Hinggil sa Budget Priorities ng Gobyernong Pilipino. Nagmula ang Information Design na ito sa Center for Nationalist Studies - UPLB.

Ser, kung tatahimik ka nalang sa harap ng mga datos na ito, yun ang sayang.

Kahit anong kayod pa ng charity at civil society sa nakaraang dalawang dekada, walang nagbago sa mukha ng lipunang Pilipino. Bansot ang base ng ekonomiya, ang agrikultura — dahil pinapatay ang reporma sa lupa ng mga maka-panginoong may lupang polisiya tulad ng CARPER.

Nananatiling service and labor-export based ang ating mga “industriya” gayong ang kailangan natin ay mga medium to heavy industries ng mga kemikal, bakal, hardware, at teknolohiya para mahulma ang nagsasariling ekonomiya.

Dahil sino rin ba ang may hawak ng pumapasok na Official Development Assistance mula sa ibang bansa? Sino rin ba ang nagiging kasabwat ng mga dambuhalang korporasyon? Hindi ba ang pamahalaan — mula sa antas-pambansa hanggang sa LGUs?

SIGE, dun tayo sa overpopulation! Bakit ulet hindi naiimplement ang RH Bill? Bakit hindi pa rin ito napapasa? Kasi hinaharangan ito ng mga pulitikong lumuluhod sa lobby ng atrasadong simbahan. Salat sa political will ang gobyerno, at ito ang meron ang mga aktibistang kinasasayangan mo.

Ser, kung tatahimik ka nalang sa harap ng kaayusang ito, DAHIL lang sa “pumapangit ang pangalan” ng UP at nakakaapekto sa mga job interviewers, YUN ang sayang.

Advertisements

Comments on: "Sayang ang mga Aktibista?" (7)

  1. Maganda ang obserbasyon. Matalas ang pagkakasulat. Sana’y pinalawig pa. Dumaraan lamang po! Salamat!

  2. chocomondz said:

    Nasaksihan ko ang debateng ‘yan sa facebook. 😀
    At grabe, ayaw nyang pagapi sa balikong punto nya. Magaling syang makipagdiskusyon, maling argumento nga lang ang gamit nya. Kaawa.

    • @Sir Noel: Masyado na pong mahaba para sa isang “komento” kung pinalalim ko pa ang datos at diskurso sa social theories, etc. Hehe.

      @Monds: Ngayon alam mo na kung bakit hindi na dapat nakikipagdebate sa facebook kung nasipat mo agad na backward at sarado naman ang pag-iisip. 😉

  3. haha…
    akala ko sa pup lang may mga nagsasabing sayang yung mga aktibistang galit sa gobyerno.

    Naalala ko nung nagkaroon ng hagisan ng upuan doon. Marami yung nagalit dahil hindi ng daw tumaas ang tuition fee sa PUP, marami namang kumpanaya ang nagsimulang magsara ng pintuan para sa mga taga PUP dahil mga “barbariko ang mga ito” kaya dapat manahimik nalang o kaya idaan sa due process. ANG STUPID.

    Kung may problema daw sa PUP yun ay dahil mababa ang pondo, kung gayon daw, bakit nagagalit ang mga aktibista sa TFI kung makakatulong naman sa paaralan yun. haaaaaaaaaaaaayy…

  4. pwedeng i-like? haahahha!

    ganun talaga… expect na ganyang ang mind-set ng kalakhang ‘facebookers.’ (natural,kalakhan ng may access/hilig/pagkaalam sa net ay middle class).pero maliban sa datos to prove our point, we should always persevere in endless persuasion. 🙂 hahaha! peace, tau!

  5. pra po s gov.ng masbate mam tulungan nyo nman ung mga tao dun s mandaon.masbate n ginigipit ng vice mayor ng mandaon pati hanapbuhay nla pinagbabawlan.hoy.mayor wag ka mgbulag bulagan jan s gngawa ng vice mayor mo.ung mga wlang ksalanang tao wag u idadamay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: