Let's make verdant dreams real.

Aking Araw

Sisikat ka muli, aking araw
Sa buhay kong mga dahon

 

Hindi nauubos
Ang sumisibol na mga dahon
Sa mainit na mga paghagkan
Ng iyong mga silahis

 

Yayakapin ng iyong mga sinag
Ang buhay kong mga dahon

 

Hanggat dumaraos
Ang tag-araw sa aking pagyabong
Tutunguhin ang pulang kagiliran
Nitong mga sanga

 

Ang iyong apoy, aking araw
Ang buhay ng aking mga dahon

 

Sambit nga ng mandirigmang makata*
Sa gitna ng unos matatanaw
Ang tayog ng ating pagkakaugat
Na sa’yong liyab ay siguradong sasapat

 

Sisikat ka muli, aking araw
Sa aking pagsintang mahinahon

 

Sisikat lagi’t lagi, aking araw
Sa pagbabagong sabay nating nilalayon

 

Sa huling pag-inog ng taon
ng mga pag-inog ng taon
Sa buong-taong pagkabuhay
Ng aking mga dahon

 

1/1/11 – 3:38AM – Bilang paggunita sa bagong taon, at lahat ng maliliit na bagay na pinapangako nito.
*Ang tinutukoy na makata dito ay si Ho Chi Minh, pinuno ng Marxistang rebolusyon sa Vietnam.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: