Let's make verdant dreams real.

Naglalakad papuntang Jollibee Philcoa para sa isang tagpuan. Ilang araw na ring umuulan at malakas ang agos ng tubig baha sa kanal ng tabing kalsada. Syempre, siksikan ang mga tao sa sidewalk. Naghihintay ng jeep. Naglalakad papunta’t paroon, umiiwas sa ulan. Karamihan, mga maninindang sa gitna ng bagyo ay naghihintay maambunan ng hindi pa dumadating na customers.

 

Mula sa kgrp1.files.wordpress.com

Nakarinig ako ng sigaw ng isang ale at napalingon. Akala ko may nanakawan, pero mas malupet pala: ang cart ng isang manininda ay nakatabig sa bilao ng suman. Si ale ang may-ari ng suman. Nakita niya, siguro sa slow-motion pati, ang pagdausdos ng lahat ng kanyang paninda diretso sa butas ng kanal. Nalubog sa rumaragasang tubig-baha. Dagdag parusa pa siguro yung pagiging barado ng kanal, hindi dumiretso sa baba ang kanyang paninda.

Andun lang, lumalangoy sa tubig-baha. Up-down, up-down. Nangungutyang sayaw habang makikita mong bakas sa mukha ni manang yung rebolusyong nagaganap sa utak niya: pupulutin ko pa ba? Hahayaan ba dyan o ililibing na parang nasawing mandirigma sa giyera ng araw-araw na pagtawid-gutom? Sisingilin at pagbabayarin ko ba si manong na nakatabig? Sa raw ba na ito ay uuwi akong umiiyak at gutom sa umiiyak at gutom kong pamilya?

 

Kung bakit ba naman sa umaga ko pa kailangang makita ang mga ganyang bagay. Note to self, idagdag ang suman sa personal na listahan ng mga imahen ng kahirapan.

  1. PET Bottles
  2. 2nd-hand Porsche
  3. Suman
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: