Let's make verdant dreams real.

Hinggil sa Manunulat

Pampulitikang aktibista, manggagawang pangkultura, at progresibong teknolohista — at ngayon ay tagapagtaguyod ng kalikasan.  Nilubos ni Leon Dulce ang kanyang 7 na taon sa UP Diliman College of Fine Arts bilang isang BFA Visual Communications major upang kumuha ng masmaraming units sa mga kursong ito mula sa Paaralan ng Buhay.

Napagkakamalan siya palaging mag-aaral ng agham o agham pampulitika. Marahil may kinalaman sa pagiging graduate at malapit sa mga kabatch sa Quezon City Science High School, at sa pagiging pala-tambay nila sa lobby ng Palma Hall.

Konting trivia hinggil sa manunulat – second choice niya sa UP Diliman ang kurso ng peryodismo. Noong elementarya ay aktibong lumalahok at nananalo sa mga paligsahan hindi lang sa disenyo, kundi pati sa malikhaing pagsulat. Naaalala pa niya ang pinakaunang ehersisyo ng kanyang journalism elective sa Quezon City Science High School – ang kanyang sinulat na balita na daw ang pinakamalapit sa inverted triangle format.

Ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging alumnus ng komprehensibong pambansa-demokratikong organisasyon ng mga kabataan, ang Anakbayan. Sa impluwensiya ng mga development worker na magulang at ng economics teacher niya sa QueSci, naging hilaw na aktibista. Hilaw ngunit aktibista pa rin. Ngayon ay may kahinugan na: nagsilbi siya bilang full-time volunteer na manunulat, tagapagsaliksik, designer, new media operator at organisador ng CPU.

Sa kasalukuyan, siya ay kampanyador ng Kalikasan People’s Network for the Environment na may side-line bilang new media officer ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan.

Marami pa siyang kakaining bigas.

%d bloggers like this: